Aginaldong Adarna: Isang Christmas Sale!

Pasko na naman, o kay tulin ng araw!

christmas sale filipino books

At bilang aginaldo sa inyo, bagsak-presyo ulit ang mga libro sa aming showroom mula ika-15 ng Nobyembre hanggang ika-20 ng Disyembre. Hanggang 70% ang ibinaba ng presyo ng mga piling aklat, habang ang storybooks naman ay mabibili lang ng Php55.00 (na Php73.00 ang tunay na presyo). May libre pang gift-wrapping services tuwing Sabado!

At kung kayo naman ang may aaginalduhan, meron din kaming inihandang panregalo para sa inyong mga tsikiting:

christmas sale filipino board books
Kung wala sa bayong, aabot nang Php 570.00 ang anim na board book, na magandang panregalo sa mga pamangkin o inaanak ninyong edad 0 hanggang 3.:

christmas sale filipino books

Bukas ang aming showroom Lunes hanggang Sabado, 8:00 NU hanggang 5:00 NH. (Narito ang mapa.) Tumawag lamang sa (02) 352-6765 para sa inyong mga katanungan.

Meri Krismas!

 

(http://adarnahouse.wordpress.com/2012/11/12/aginaldong-adarna-isang-christmas-sale/)